Noon, di pa uso ang MP3, MP4, IPods, PSP, Farmville, at kung ano-anong mga gadgets at On-line gaming na pinagkakaguluhan ng mga kabataan ngayon. Pero syempre, hindi ko rin naman masasabi na hindi ako isa sa mga nahuhumaling sa mga makabagong teknolohiyang patuloy sa paglaganap hanggang sa ngayon. Sa katunayan ay hindi kumpleto ang taon ko kung wala akong bagong gadget. Kahit na maliit, basta't bago ay pagpupursisgihan kong magkaroon. Kung tutuusin ay maliit na halga lamang ang nailalaan ko kung ikukumpara sa mga may kayang kabataan na may kakayahang magkaroon ng multiple gadgets sa bahay, at hindi rin lang naman mga kabataan ang nahuhumaling dito kundi pati narin ang mga mas nakakatanda.
Pero kung iisipin mo, hindi ba't wala namang ganito noon? Kung meron man, Mga may kaya lang ang makabibili.
Noong nakaraang araw, dahil sa init ng ulo ng aking mga magulang ay nautusan kaming mag-linis ng boung bahay. Habang naglilinis ay nakakita kami ng mga lumang litrato noong kami ay mga bata pa. Naalala ko tuloy ang mga panahon na hindi pa kayang bilhin ng mga pangkaraniwang pamilya ang mga gadgets na kinababaliwan ni neneng at totoy ngayon.
Noon, paboritong past time ng mga batang babae(sikat din sa mga batang lalaki) ang mga cut-outs na paper doll at para mapaganda ang paraan ng pag-lalaro, bibigyan nila ito ng kanya-kanyang pangalan at gagawan ito ng kwento. Magandang paraan iyon upang mapalawak ang imahinasyon ng bawat naglalaro. Syempre, hindi kumpleto ang laro kung walang mga kaibigang kasama, kung kaya't nagkakaroon ng interaksyon sa ibang tao ang mga bata noon. Sa mga lalaki naman ay bidang-bida ang mga laruang may remote control katulad ng laruang kotse, robots, laruang eroplano. Minsan pa nga, ang siste ay hahabulin ng mga kalaro ang laruan habang tuwang-tuwa sa pag-kontrol ang batang may-ari ng laruan.
Usong-uso noon ang mga Larong Pinoy na madalas ay nilalaro ng mga bata sa mga bakanteng lote o sa mga kalsada. Pinaka-paborito namin noong laro ay piko. Ito yung laro kung saan ang bawat kasali ay may kanya-kanyang hawak na bato na tinatawag pato. Kailangan mong gumuhit ng malaking parihaba sa sahig at hahatiin ito sa anim. Nakakatuwa ang larong ito dahil bukod sa panalo ka sa laro ay may bahay ka pa! Hindi ito yung literal na bahay na napapanalunan sa mga game show, ito yung bahay na guguhit ka ng kung ano mang nais mo sa loob ng hinating malaking parihaba.
Mayroon ding mga laro na kinakailangan ng malakas na resistensya katulad ng habulan, agawan base, patintero, at batuhang bola (/batuhan ng bola/ mas kilala na ngayon bilang DODGE BALL).
Kung sawa at pagod na sa mga nakakapagod na laro ay babalingan naman ng mga bata ang mga punong hitik na hitik sa bunga sa mga panahon ng tag-init. Natural na ang mga tagpong namumula sa galit ang mga kapit-bahay sa mga batang nagpupumilit na manungkit ng bunga ng mangga o kamiyas. Matapos na mahuli ng may-ari ay kakaripas ng takbo at uumpisahan na ang piyesta na ikakangiwa ng mukha ng mga bata sa dahil sobrang asim ng mga napitas. Kung wala namang puno ng mangga o kamiyas ay pag-iinteresan naman ang puno ng alateris ng kapit-bahay. Padating naman sa punong iyon ay wala nang magrereklamo maliban na lamang sa mga nanay na mag-iinit ang ulo dahil sa pantal na aabutin ng bata mula sa mga langgam na kakagat sa kanya o sa pilay na aabutin mula sa pagkabagsak sa puno.
Simpleng mga bagay noon na bihira na lamang makitang ginagawa ng mga bata ngayon. Dahil bukod sa wala nang bakanteng loteng mapag-lalaruan at punong maaaring akyatan, mahirap na rin makahanap ng batang may interes na maglaro pa ng mga ganitong gawain dahil sa dami ng umaagaw sa kanilang atensyon at ang mga dating gumagawa ng mga gawaing ito ay natutulad na rin sa kanila.
Kaya ang madalas kong naitatanong:
May makakagawa pa kaya sa mga kabataan ngayon ng mga bagay noon???

No comments:
Post a Comment