Tuesday, January 10, 2012

Blur

    Blur. 

    Kapag nahamugan ang salamin, malabo ang repleksyon. Kapag mahamog, mahirap makita ang paligid. Kapag hindi ka nakapag-pungas ng mata sa pagka-gising, malabo ang tingin mo sa paligid. Parang blurred. Malabo. Ganyan ako araw-araw. Kahit mag-pungas pa ako ng mata ng ilang beses, malabo nang talaga ang mga mata ko.

    Mahirap magkaroon ng mga malalabong mata lalo na't nasa batang edad pa lamang. Pero wala naman akong magagawa kung unti-unting lumalabo ang paningin ko. Salamin lang ang inaasahan ko para makakita ng maayos.

     Astig daw. Astigmatism. In real life, cool maging astig! Pero astigmatism? Hindi cool.

    Last January 09, 2012, Monday, (kahapon lang) nagpagawa ako ulit ng bagong salamin. Tumaas ulit ang grado ng aking mga mata. Ito lang ata ang gradong hindi gustong makuha ng sinuman.

    Sa totoo lang,  masaya rin ang ganitong sitwasyon at naging advantage pa sa akin pagdating sa klase. Nang pumasok ako sa college ay mas lumabo pa ang paningin ko. Mas nahirapan akong makita ang paligid ko ng malinaw lalo na ang mga taong nasa paligid ko. Dahil dito, mas naging kumportable ako sa public speaking. Mas naging confident pa nga ako dahil sa ganitong sitwasyon dahil nagiging stutter ako kapag nakikita kong nakatingin ang maraming tao sa akin kapag nagsasalita.

    Hindi ko na rin kailangang iwasan ang mga mapanghusgang mata ng mga taong hindi sumasang-ayon sa mga pananaw ko sa buhay. Bakit ko iiwasan ang mga tingin nila? Hindi ko naman sila nakikita!

    Hindi ko man nakikita ng malinaw ang paligid ko, natutunan ko namang pagpahalagahan ang mga detalye sa mga bagay na nasa paligid ko--ang kulay ng mga halaman, ang mga hugis ng mga maliit na batong naii-stock sa sapatos ko habang naglalakad, ang hitsura ng mga snatcher na madalas kong nakakasabay sa jeep pauwi at kung anu-ano pa na hindi madalas ma-appreciate ng iba.

    Sa huli, masaya ako at feeling super blessed parin na hindi pa ako nabibigyan ng makapal na salamin. At sana kapag nakuha ko na bukas ang bagong gawa kong salamin, sana mas maraming bagay pa ang makita ko at maging lesson sa buhay ko.

No comments:

Post a Comment