Sunday, January 29, 2012

Babay kaibigan!

    Ito ang puno ng Baligang. Blackberry version ng pilipinas. May bunga na katulad ng sa Duhat at maaring  gawing alak at atsara. Tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan at sa aming bakuran.

     Kasabay kong lumaki ang punong ito. 
This picture was first posted at http://edbuncaras.blogspot.com
     Pero, recently napansin namin na unti-unti nang sinisira ng kanyang mga ugat ang aming kungkretong bakod kaya napag-desisyunang putulin ang puno kasabay ng pagpapaayos ng ilang parte ng aming bakuran. 

       Labag man sa kalooban, mas pinili naming ipaputol na ang puno.

     Pero syempre, dahil nag-iisa lang ito sa compound namin, may mga seedling ako ngayong inaalagaan at hihintaying lumaki. Nang sa gayon ay makilala ng mga future members ng family ko ang punong kinalakihan ko.

No comments:

Post a Comment