Last day, bandang alas-singko y media ng hapon, biglang nag-brown out.
Nakaka-inis! Natural na reaksyon naman talaga ang mainis ant magalit sa ganoong pangyayari. Pero hindi nakakatuwa kapag nagba-brown out!
Syempre, una sa lahat, mainit. Hindi gagana ang electric fan kung hindi ito dadaluyan ng kuryente.
Walang telebisyon. Inaabangan mo ang paborito mong programa, drama, koreanovela sa oras na iyon nang bigla na lang mawawala ang supply ng kuryente! Tsk! Paniguradong isususmpa mo nanaman si *** kahit na wala siyang kasalanan at walang kinalaman sa pagkawala ng supply ng kuryente.
Malas mo kung hindi mo pa nai-charge ang cellphone mo dahil inuna mo pa ang panonood ng paborito mong palabas.
Malalanta ang tanim mo sa Farm Ville. Oh no! Kailangan mo na talagang mag-harvest paro hindi mo magawa dahil walang kuryente. Subukan mo kayang mangibang-bayan. Baka sakali, maka-level up ka na! Wag mo rin kalimutang paliguan ang alaga mong hybrid ng pusa at T-rex sa Pet Ville.
Pero kahit na hindi masaya ang pansamantalang kawalan ng kuryente, marami naman ito magagandang bagay na maihahatid sa sino man.
Kapag hapon na ay hindi parin naibabalik ang supply ng kuryente, madalas ang mga matatanda ay nag-uumpukan sa isang lugar kung saan maari nilang mapag-usapan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kasalukayan katulad ng kung sino ang bagong jowa ni ***, o kung anong brand ng bagong second hand na T.V. ang nabili ni ***. Madalas nag-uumpukan din ang mga chismosa para mapag-usapan ang dumo-dobleng bilbil ni Pepay.
Bukod sa mga matatandang nagpapalitan ng kuro-kuro, karamihan ay mga batang nag-hahabulan ang makikitang naglalaro habang sinasaway ng mga matatandang nag-uumpukan. Sa totoo lang, masaya talaga ang mga ganoong tagpo. May naghahabulan, naglalaro ng goma, bato-bato-pik!, pitik-bulaga, langit-lupa, mataya-taya at iba pa. Ang iba, nagtatakutan, minsan pa nga ay nagkakasakitan na dahil sa pagka-pikon at kainisan sa kalaro. Pero parte pa rin iyon ng laro na di talaga maiiwasan.
At kung Madilim na at ganap ng gabi, mdalas na mas marami pa ang nasa labas ng kanilang bahay. Dahil bukod sa mainit sa loob ng bahay, mas marami pang pwedeng mapag-usapan kapag sumasapit na ang dilim.
Mas napapaganda ang usapang kababalaghan. Madalas mga kabataan ang may interes sa ganitong usapan na sasabayan pa ng bonggang reenactment na ikakatakot naman sa huli ng mga nakikinig sa tagapag-kwento. May mga bata din na sasabay sa pakikinig at sa kalagitnaan ng kwentuhan ay hihihwalay sa umpukan at gagawa ng sariling kwento na ibabahagi sa mga kalaro. Malalaman mong nagtagumpay sya sa pananakot kung maririnig mong nagsisigawan na ang mga kaibigan nya habang tumatakbo-kasama sya!
At sa iba naman na hindi madalas makihalubilo sa mga kapit-bahay(na katulad ko), madalas na nasa likod bahay at pinagmamasdan ang malawak na kalangitan, pinipilt basahin ang mga constellations at hinahanap kung nasaan ang big dipper, little dipper, yung kite, pati na rin yung zodiac nya. At kung suswertehin (katulad ko na nakatira sa mala-probinsyang settings ng bahay) ay maari ka pang makakita ng mga alitaptap na nakakamanghang panoorin habang lumilipad. Pati na ri ang mga gamo-gamung nagliliparin at pumapalibot sa kandila o lamparang nagsisilbing liwanag sa gabing malamig. Tuwing brown out mo rin lang malayang magagawa ang shadow puppetry na susubok sa kakulitan ng mga bata at pati na ri ng matatanda.
Ang iba naman ay idinadaan sa pagkain para mapalipas ang gabing walang kuryente. Maraming tumatambay para makipag-inuman. Pagkatapos ng inuman, umaatikabong aksyon na ang magaganap dahil sa kalasingan. Ang iba naman, kahit brown out na, magpapatugtog parin ng bagong bili nilang IPod o MP3.
Pero brown out pa rin.
Kaya ang iba ay mapipilitan nang umuwi sa kanya-kanyang bahay para magpahinga o maghanda ng hapunan.
Ang iba naman ay maghahanda na sa pagtulog. Mainit at malamok pa.
Minsan mas nakaka-inis ang ganitong tagpo, yung ang tagal-tagal mo nang naghintay sa pagbabalik ng supply ng kuryente, nai-report mo na't lahat. . .
Kanina pa pala bumalik ang supply ng kuryente, nakalimutan lang pala ni tatay i-on yung fuse box ng bahay! Naku, naku, naku! Tatay talaga!