Friday, May 4, 2012

Blogger's new look

    Nagulat ako nang makita ko na iba na ng layout ng Blogger home ko ng muli akong magbukas ng Blogger. Sa umpisa, medio nangangapa pa ako. Pero madali lang pala na i-operate ang bagong design na nilabas nila ngayon.

    Mas accessible sa lahat ng kailangan ng mga blogger, organized at malinis kung ikukumpara sa dati. nagustuhan ko din ang layout ng pagpo-post, parang Microsoft word ang dating at mas malaki na ang space ng lugar kung saan ka maaring magsulat.

    Sa ngayon, nagwa-wonder around parin ako dito sa new look ng Blogger at sana, gaya nga nang sabi ng iba, eh, makatulong ito para mapa-bilis ang pagba-blog ng mga users na katulad ko.

No comments:

Post a Comment