*Thanks to the rightful owner of this picture* |
Sino bang hindi pa nakakaranas na mag-kape sa umaga?
Anong sarap nga naman ng kape kapag bagong gising sa umaga o kaya naman sa madaling araw para sa mga maaagang nagsisipag-pasukan sa trabaho at paaralan (yung iba dyan, hindi pa nag-mumumog, nagkakape na!).
Ano bang timpla ang trip mo?
Matapang? Yung tipong kahit nag-tooth brush ka na, lasap mo parin ang tapang ng lasa kapag dumighay ka? O yong matamis? Yung tipong tinalo pa ang arnibal na sahog ng taho na manong?
Sarap magkape no?
Ano bang masarap ihalo sa kape? Creamer o condense milk? Evap kaya?
Partner? Anong sayo? Pandesal. Panalo yan. Wagi sa madla. Two thumbs up! Lalo na kung may kesong pagkaalat-alat! O kaya yung well-known na "Ate! Pabili nga ng DERI KRIM!" Hayyy!!! Langit yan sa sarap! Itlog at pandesal. Liver spread at pandesal. Ano pa bang masarap na palaman? Liver spread. Mayonnaise. Sandwich spread. Ham spread. Chicken spread. Omelet. kahit ano pwede sa pandesal at kape.
Rice meal kaya? Masarap din yan. Tapsi? Whow naman. Panalong panalo! Kahit nga sopas at kape, talo-talo na.
Teka, nagkakape ka ba?
Ang sarap kaya ng kape. May anti-oxidant pa! Anti-aging, Pampabata, Hahahah! Mas maganda pa nga raw na pampagising ang kape sa umaga kaysa sa regular na exercise. Hindi ko sinasabi na wag ka nang mag-exercise. Ang sabi ko lang, try mong uminom din ng kape. Iwas-cancer din yan.
Higit sa lahat, minsan kahit kape lang buo na ang araw ng mga simpleng tao, mga naglalambingang asawa o kaya naman ng mga nag-aagawan ng ipang-aasukal sa kape.
No comments:
Post a Comment