Ang sarap ng taho. Bahagi na ata 'to ng buhay ng mga Pilipino araw-araw.
Araw-araw din kasi akong kumakain ng taho. Ikaw? kumakain ka rin ba ng taho? Parang di ata kumpleto ang araw ko kapag di ako nakakain ng taho. Parang kape ko na rin kasi yan. Pampagising kumbaga. Minsan nga, dati bago ako pumasok mg school, titira muna ako ng taho ni manong. Tapos deretso na ng school. Ganun parin hanggang ngayon.
Panalong panalo ang makalaglag-pangang arnibal ni manong. Madalas akong masamid dati kapag sinisimot ko yung arnibal. Tapos yung walang kasing kinis na soy o taho. Hayyy, Kung may straw pang kasama ang taho ni manong, malamang na ginawa mo ding bala sa straw yung sahog na sago nung bata ka pa (may mga bata ngayon na nakikita ko parin na gumagaya ng teknik na yan.).
Minsan, kahit taho lang solve na ang umaga ko. Minsan nga kapag late na sa pagpasok, taho nalang ang almusal makabubusog na kasi.(Yun nga lang, minsan nagkakaroon ako ng problema sa bhaye, nakaksuk*).
Hindi lang sa usapang sikmura ako natutulungan ng taho. Pati na rin mismo si Mr. Fernanado A.K.A. "Manong taho". Sa umaga, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko maririnig ang malupit na "TAHOOO!!!" at ang mabangis na "OOHHWHOOHWOW" (hindi yan yung intro ng kanta ni pareng Justin ah, nauna dyan si manong taho.) ni manong taho. Alarm clock ko na rin yan! Paano kasi madalas tinatanghali ako ng gising (8:00 A.M., tanghali na ba yun?).
Lupit ni manong taho, saludo ako sa kanya. Dahil sa hindi pa ako pinapanganak, naghahatid na sya araw-araw ng taho sa lugar namin. Lumaki siguro akong cute dahil sa taho ni manong. Hayyy manong ikaw na!
I think, pwede na ring ihanay si Manong taho sa mge Avengers (Sa tingin mo?). Imagine, araw-araw nagbubuhat sya ng lalagyanan ng taho. Pansin ko na rin ang magandang built ni manong taho kahit na may edad na sya.
Kung saan-saan na napunta ang kwentong taho. Basta da best ang taho at ang muscle ni manong (yung muscles ata secret sa masarap na taho, minsan kasi, nakatikim na ako ng taho sa iba. Hindi masarap.).
I-enjoy nalang natin ang masarap na taho sa umaga, healthy na affordable pa!
(bibigyan kaya ako ni manong ng ad fee para dito?)
No comments:
Post a Comment