(Alam ko na marami nang gumawa ng ganitong klase ng sulatin o blog, pero paniguradong mag-eenjoy ka sa listahan ko.)
Sa mga oras na 'to, malamang na nadagdagan na naman ang batayan ng pagiging isang Certified Pinoy. May pamantayan ba sa pagiging pinoy? Para sa akin ang mga bagay na mapapasama sa listahan ko ay mga bagay-bagay na nagpapakilala ng mga kaugalian ng mga Pilipino, maging saang antas man sya nabibilang.
Walis tambo, tabo, malalaking kutsra't tinidor at Last Supper display
Pangunahing palatandaan yan na nasa bahay ka ng isang pamilyang Pilipino. Pagpasok sa sala, imposibleng hindi mo mapapansin ang walis tambo na nag-aabang lang na maganit para sa mga duming lilinisin. Kung sa ibang bansa super star ang vacuum cleaner, sa atin naman ay walis tambo. All around yan! sa sahig, sa furniture, sa singit ng mga malalaking upuan, sa ceiling o kisame, sa wall o dingding ng bahay, lahat! Name it, walis tambo can clean it! wag mo lang isasaw-saw sa basa o tubig para hindi masira.
Sa banyo, bidang-bida ang tabo o water dipper. Minsan kahit sa kusina meron din niyan, pati sa bakuran, o kahit saan na may tubig naandun din ang tabo. Pansalok. Yan ang pangunahing pinaggagamitan ng tabo. May kaibigan akong ang bahay ay napaka-moderno, iisipin mong nasa bahay ka ng isang pamilyang lumaki sa ibang bansa pero pagdating sa kanilang banyo (maski na may flush ang kanilang toilet at may shower at bath tub na) ay may tabo pa rin akong nakita. Nakatutuwang isipin na only in the Philippines lang daw ang gamit na ito.
Sa kusina naman tayo. Malalaking kutsara't tinidor at The Last supper portrait naman ang usual display sa kusina ng mga pamilyang pinoy. Dati binalak kong gumamit ng isa sa mga malalaking kutsara at tinidor na yan. Pero nalaman kong mas mabigat pa pala sa akin ang mga kahoy na yun kung kaya't di ko na ulit binalak pa na tanggalin sa kinalalagyan nila. Display lang sya, yun lang. Katulad din ng portrait ng The Last supper. Ito daw ang simbolo ng pagiging malapit natin sa Diyos at ang paggalang natin sa ating pagkain. Ito rin ang nagpapaalala sa atin na dapat nating sulitin ang oras na magkakasama ang buong pamilya sa oras ng pagkain at ang madalas na sinasabi ng mga magulang natin na: "kumain tayo na para bang ito na ang huli". Para sa akin ang mga salitang iyan ang nagpapasarap ng mga sandali ng bawat pamilya.
Mahilig sumitsit, dumura at umihi kung saan-saan
Hayan, behavior ng mga pinoy yan. sumitsit lang ang kaya kong gawin sa public place, but the two other behavior, no. Ang pagsitsit na ata ang pinaka-common ma behavior ng mga pinoy. Sa gaoong paraan nila tinatawag ang atensyon ng ibang tao a maging ng mga alaga nilang aso o pusa. Sa totoo lang, negative talaga yan sa image ng mga pinoy. Pero sumasalamin din ito sa mga kakulangan ng ng pangangailangan ng mga pilipino. Katulad ng public urinals. Kahit na may mga naityo nang mga pink urinals ang goberno, hindi parin nito natutugunan ang pangangailangan ng mga pinoy sa kakalsadahan.
Mahilig sa street foods o laging may kinukukot at nginunguya
Hindi lang naman sa mga Pilipino uso ang street foods kundi maging sa ibang bansa din. Pero dito ko lang ata nakikitang laging may nginunguya ang katabi ko o kasama sa trabaho. Madalas, mani ang hawak ng mga nabuburyong sa loob ng jeep. Tokneneng at kwek-kwek naman sa mga studyanteng kakalabas pa lamang sa skwelahan (bukod sa mura na, madali pang mahahanap ang mga tindahang nagbebenta nito), sago't gulaman naman para sa mga nauuhaw at nagmamadali. Pagsapit ng gabi, marami ang naka-pila sa mga istante ng ihawan. Isaw, "adidas" o paa ng manok, baticolon, "helmet" o ang ulo ng mano, "betamax" o dugo at kung ano-ano pa na pangkaraniwan ay lamang-loob ng baboy o baka ang itinitinda.
Nguso ang gamit sa pagturo ng lugar o bagay
Kapag nagtanong ka kung saang daan ang may pangalan na gainito o kung nasaan ang kabiyak ng tsenelas mo, hindi malabong gagamitin ng kausap mo ang kanyang nguso para maituro ang hinahanap mong lugar o bagay.
Kapag nagtanong ka kung saang daan ang may pangalan na gainito o kung nasaan ang kabiyak ng tsenelas mo, hindi malabong gagamitin ng kausap mo ang kanyang nguso para maituro ang hinahanap mong lugar o bagay.
No comments:
Post a Comment