Nakakatuwa na minsan yung makapakinig ka ng mga tugtugin sa radyo. Iba yung dating compare sa makinig ka lang sa I Pod.
Sa radyo, may commentator na sobrang jolly or joker talaga na kapag napakinggan mo na eh hindi ka na mapapalipat ng ibang station. Makikitawa ka na rin at magko-comment sa mga hirit ng DJ at makikisimpatya o maiinis din minsan sa mga caller nila.
Minsan swak sa mood ang mga songs lalo na kung trip mo ang mga pini-play nilang kanta. Yung tipong nasa duyan ka lang and nakikinig sa mga love songs nila.
Naayon sa panahon ang mga nakalinyang kanta, mauuna ang oldies, blues then rock, RNB naman ang isusunod nila. Depende narin sa arrangement ng station. Merong scoring ng opera ang mga pinatutugtog, yung iba naman puro English songs lang.
Pero kahit anong station pa ang trip mo o anong klase mang genre ang pinakikinggan ang importante marunong kang makinig at hindi ka iba sa mga nakalimot na makinig sa nakagisnan na ng karamihan.
No comments:
Post a Comment