It's been a month since the last time i get in touch with the web again. Bukod sa pagiging busy, nagkaroon pa ng problema ang desktop ko, Kainis! Pero sa mga panahon na wala akong connection sa internet, nagkaroon ako ng maraming panahon para gumawa ng mas maraming bagay kaysa sa humarap sa computer sa loob ng limang oras kada araw.
Mas nagkaroon ako ng panahon para mag-isip ng mapagkaka-abalahan katulad nga ng mag-exercise at sumulat ng mga bagay na binabalak kong gawin sa darating na pasukan. Natapos ko na rin ang isa pang corset na binabalk kong isuot sa tuwing papasok ako sa university, magandang tulong ito para maayos ang postura ko sa tuwing aatend ako ng klase lalo na sa Personality Development subject na binabalak kong i-take ngayong darating na pasukan.
At dahil wala akong masyadong pinagkaka-abalahan, mas napaganda ko pa ang mini-garden ko sa tabi ng bahay namin. Sa kalagitnaan ng taon, nagbabalak ang mga magulang ko na mag-laan ng budget para ipaayos ang front yard namin at binabalak ko na isama sa bucket list ko ang pagbili ng mga naggagandahang halaman para doon.
At gaya nga nang nasabi ko, nakagawa ako ng bucket list ng mga Must-do at Must-Buy ko ngayong taon. Binabalak ko na mapasama sa scholarship o maging athlete ng OLFU ngayong taon.
Minsan masaya din pala na walang internet connection dahil mas maraming bagay ang napagtutuunan natin ng pansin. Pero syempre, mas masaya din kapag naka-connect ka sa net para maging in touch sa mga taong mahal mo na malayo sa at syempre para mai-blog at ma-share mo ang mga bagay na gusto mong maibahagi sa mundo.
No comments:
Post a Comment