Tuesday, March 13, 2012

Trust. To forgive or to forget?

  Trust. Hindi ito yung condom ha! Ang tinutukoy ko ay pagtitiwala. TIWALA.

  Sabi nga nila, sirain mo na lahat wag lang yung tiwala ng isang tao sayo. Pinakamahirap ipunin ang bagay na to higit sa ano pa man. Once na masira, hindi na maibabalik sa dati, parang babasaging baso na kahit anong pandikit ang ilagay mo may lamat paring makikita.

  "FORGIVE AND FORGET." Yan ang ihihirit mo sa mga taong naagrabyado. Pero sa totoo lang, kapag ikaw na ang nasa ganoong situwasyon, panigurado hindi mo maaalala yung phrase na yan. Kung sabagay effective nga yang phrase na yan. Yun nga lang, hindi sa lahat.

  FORGIVE. Pagbigyan. Yun ata ang proper translation sa forgive in terms of the word trust. "Pagbigyan mo minsan lang naman yan eh."  Ganun naman tayo eh, lalo na kung minsan lang ginawa, minsan nga paulit-ulit pa eh. Eto yung sinasamantala na hindi pa natuto.

  FORGET. Kalimutan nalang tutal hindi naman na sya makakulit. Ganun lang kasimple. Lesson learned.

  Pero kahit ano pa man ang napili mong paraan sa huli ang nasirang tiwala ay mananatili nang sira. Pingpala  kang tunay kung makalimot nalang basta yung taong nagtiwala sayo.

No comments:

Post a Comment