(Para sa mga anak na may amang makukulit at para sa mga amang minsan na ding naging anak ng mga amang kasing kulit din nila. Peace!!!)
Sa mga oras na 'to, habang binabasa mo ang blog ko, malamang na nakikipag-talo ako sa papa ko kung paano irerelax ang braso nya habang kino-control nya ang mouse ng computer.
Sa totoo lang, mas madalas kaming mag-sigawan ng papa ko dahil sa kakulitan nya at kakulitan ko din minsan.
Hindi sya nakapag-tapos ng pag-aaral at hindi rin nakapasok kahit sa anong vocational schools, hindi katulad ko, pero ibang iba ang humor nya compare sa mga taong mas edukado sa kanya na madalas nyang nakakasalamuha nya araw-araw. Alam mo ba kung sino-sino ang mga nakaka-usap nya sa araw-araw? mga police, lawyer, sabongero, doctor, large farm owners, may mangilan-ilan ding nagtatrabaho sa gobyerno, engineer, seaman, at iba pa... Hindi yan joke! araw-araw may mga nakaka-usap syang ganyang klase ng tao, mga taong may mataas na pinag-aralan pero hindi makasakay sa bilis ng takbo ng pag-iisip nya.
Gusto mo ng sample???
Minsan, may isang engineer na naging costumer si papa (TEKA!!! I forgot to mention, related sa metal crafts ang trabaho nya at lahat ng mga taong nabanggit ko kanina ay mga clients namin. And yes! Employee ako ng papa ko sa sarili naming "LITERALLY BACKYARD BUSINESS"), at nang araw ding iyon, namangha ako sa laki ng agwat ng mga kakahayan ng bawat isa sa kanila. Lalo na kay papa.
May mga materyales kasi syang ginagamit para makagawa ng mga orders ng mga client namin na syang pinagtalunan ng dalawa. Noong una, bet ko talaga yung manong engineer (sorry Pa, I lose my faith on you once, and i was wrong...). Syempre engineer yun eh, katulad ni papa sa metals din ang specialty nya. Pero nagulat ako, hindi si papa kundi yung maong engineer ang 'di makasabay sa process ng paggawa ni papa. Bangis!!! Hindi naman dahil sa papa ko sya kaya kung todo cheer ako sa kanya, pero dahil sa kungtutuusin ay basics lang ang process na ginagawa niya pero hindi masakyan ng mas nakapag-aral pa kaysa sa kanya. Then, several weeks after na dumalaw sa shop 'yung manong engineer, nalaman kong gumagawa na rin sya ng
same items na ginagawa din namin. Pero, malaki parin ang difference ng gawa namin sa quality ng gawa nya. Palyado, hindi matibay at... Ehem... mas maganda pa talaga kaysa sa amin. (hindi naman sa naninira, pero halos lahat ng mga nagpagawa sa kanya pumupunta sa amin para magpa-repair.)
Madalas namang nayayari ako sa humorous jokes nyang kung hindi ka hahaglpak sa tawa, eh, baka atakihin ka sa puso kung hindi mo kakayanin. Minsan may ganitong tagpo:
Sa tindahan ng computer.
Sales man: "Ah sir, fixed na yan kaya hindi na pwedeng magdiscount."
Papa: "Ahhh, baka naman pwedeng bawasan nalang natin."
Sales man: "Eh, kasi sir, hindi na ho talaga pwede eh, fixed na ho kasi yung presyo nyan. Paano naman ho natin babawasan yan, package ho kasi yan.
Papa: "Ganun ba? Ay sige, bawasan mo nalang yung monitor, hatiin mo nalang sa kalahati.
Sales man: (halatang nag-pipigil ng tawa) Heto nalang sir mas mura...
Papa: "Alam mo ba na bibili kami ng computer ngayon pero pag-uwi namin sa bahay, wala kaming pambili ng ulam?
Sales man: (hindi napigil, tamawa na...)
Habang binabalot ang mga nabiling items...
Papa: "Hindi ba malakas ang hatak ng kuryente nyan???
Sales man: "Hindi sir, parang radyo lang hatak nyan!" (parang siguradong-sigurado talaga sya)
Papa: "Eh di dapat pala nag-radyo nalang ako!"
Mga sales man na nasa likod ni manong salesman: (Hagalpakan sa tawa, sinabayan pa ng pang-aalaska) Lakas mo manong!
Hindi naman lahat ng oras nag-sisigawan kami, may mga happy moments din naman.
Pero wala talagang tatalo sa sigawan moments eh, mas intense kasi. Labanan ng humor sa humor... Kung pikon ka, talo ka. Kung di mo masakyan, mahina ka. At kung wala kang tiyaga, hindi ka tatagal.
Ikaw ba, may moments din kayo ng erpat mo na nagkakatalo kayo ng humor? Di ba ang saya?!