Habang tumitingin ako sa reference section ng paborito kong bookstore, naalala ko ang principal ng paaralang pinasukan ko noong high school.
Noon, madalas na gumuguhit, nagpipinta at gumagawa ng kung ano-anong artworks ang lolo ko bilang bonding naming dalawa. Pero hindi sya madalas na magkwento ng mga bagay-bagay bilang parte ng bonding namin. Kaya naman ng minsang nagkaroon ng pagkakataon na maging isang taga-pakinig sa aming principal, hindi bilang isang guro sa kanyang estudyante kundi bilang isang nakatatandang nagbabahagi ng kaalaman sa mga nakakabatang kailangan ng liwanag sa kanilang daan, sinamantala ko na ang pagkakataon at kinapalan ang mukha upang marinig muli ang kwentong hanggang sa mga oras na ito ay nagsisilbing inspirasyon ko sa buhay.
Ang araw na yon ay ang araw din na magkakaalaman na kung sino talaga ang nakakaalam ng Disederata(resitation mode dapat ng araw na yon, laking gulat namin na biglang naging written exam nalang.) Matapos ang madibdibang exam, nagumpisa syang magkwento ng mga nasasaisip nya. Nauwi iyon sa isang magandang kwento. Dahil hindi mala-gold fish ang memory ko, nakalimutan ko agad kung sino ang bidang karakter sa kwento. Pagdating ng uwian, (kahit kinakabahan,) naglakas-loob kami ng kaibigan ko na itanong ang tungkol sa kwento at kung saan ito maaaring mahanap. At muli, nagsimula siyang magkwento. . .
acknowledgment to the owners of this pictures |
Isinalaysay niya: Si Silas Marner ay isang manghahabi na nagmamay-ari ng mga ginto na sya namang ninakaw mula sa kanyang tahanan. At ang pagkawala ng mga ginto ang naging dahilan ng kanyang pagkasawi. Hanggang sa isang araw ay may isang paslit na may ginintuang buhok ang kanyang nakita sa pintuan ng kanyang tahanan. Nawala man ang mga gintong sa kanya ay inumit, napalitan naman ito ng walang kapantay at tunay na kaligayahan na dulot ng pagdating batang may ginintuang buhok sa kanyang buhay.
(Isinulat ko lang kung ano ang natatandaan ko.)
Sinabi din niyang mahahanap ang kwentong iyon sa Groiler Encyclopedia.
Matapos naming marinig ang kwento ay agad kaming pumunta sa library para hanapin ang kwentong nasabi. pero maliit na paliwanag lamang ang nakasaad sa nasabing libro. Sa madaling sabi, nabitin kami.
At ngayon nga, muli, naalala ko ang aming principal, ang kanyang magandang kwento, at ang nakakabiting description sa Groiler at kung paano nabago ng kwentong iyon ang pananaw ko sa buhay.
No comments:
Post a Comment