Wala nang iba pang salita ang magpapangiti sa isang tao kundi ang mga salitang "Mahal kita!" Karamihan ng sa atin sinasabi lamang ang salitang ito kapag may espasyal na okasyon, kapag naglalambing o kapag may kailangan lang hingiin (lalo na sa mga anak na nakakalimot sa kung ano ba talaga ang dapat na paggamitan ng salitang ito).
Bakit hindi subukang sabihin ang salitang ito:
- Sa pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Batiin ang mga magulang ng buong lambing at samahan ng mahigpit na yakap.
- Habang nakikipag-usap o nakikipag-laro sa mga kapatid.
- Kapag aalis ng bahay o kung may isa sa mga kasama sa bahay na aalis sa araw na iyon.
- Sabihin ito sa mga kaibigan. Marahil ay maninibago sila pero paniguradong mabibigayn mo sila ng walang kapantay na ngiti sa kanilang mga mukha.
- Sa iyong kasintahan. Mas madaling sabihin ito sa taong ating lubos na pinagpapahalagahan. Ito rin ang pinaka-simple ngunit pinaka-epektibong paraan upang mapag-tibay ang isang samahan.
- Sa iyong lolo at lola. Sila ang madalas na kasama natin noong tayo ay mga bata pa. Paniguradong mas madalas natin itong nasasabi sa kanila noon.
No comments:
Post a Comment