Last December 26, 2011, Muli kong nakausap ang long time friend ko na si Tetris sa pamamagitan ng social networking site na Facebook chat. Walang kamustahan na naganap kundi isang paghamon sa isang battle na tinatawag na Tetris Battle. Ang Tetris Battle ay isang game sa Facebook na kinakahumalingan ng mga Facebook-adik sa ngayon.
Malugod kong tinanggap ang kanyang paghamon. Sa una ay nabiro ko pa sya na: "Talo ako sa iyo! Hold mo na yung title nun eh!" pero hindi ko alam na ang pagbibirong iyon ang magdudulot ng pagbaba ng rankings ko sa naturang laro (Insert a BELAT audio here).
Puwera biro, akyat baba ang rankings ko habang naglalaro kami. Mananalo sya, matatalo ako, matatalo sya, mananalo ako. At sa huli, sya rin ang nakaipon ng maraming stars at tumaas ang ranggo.
Pero kahit na ako ang nawalan, pakiramadam ko sobrang waging-wagi ako at lubos lubos naman akong natuwa dahil makalipas ang ilang taon, muli kaming nagka-usap. Kahit sa maikling oras lang (na hindi man lang nagkamustahan) ay naramdaman kong bou parin ang matagal nang samahan naming magkaibigan.
Sorang tuwa ko talaga nang gabing iyon. Wala sa pagkatalo o pagkapanalo ang naging takbo ng isip ko ng mga oras na nagaganap ang laban sa pagitan naming dalawa, (Para sa akin,) ang larong iyon ay nagmistulang isang munting bonding narin ng dalawang magkaibigang matagal nang hindi nagkikita.
At higit pa akong natuwa (na syang naging dahilan ng pagka-puyat ko dahil palong-palo ako sa kasiyahan) nang muli kong nabasa ang tawagan namin noong nasa high school pa kami: PRE!
No comments:
Post a Comment