"Kung wala ka, wala akong makaka-away... Ah basta ikaw lang ang kaaway ko, kaya dapat wag kang aalis ng maaga sa amin huh!"
Yan ang message sa akin ng mama ko nung 20th birthday (Jan 05). Hindi ko alam kung bakit yun yung sinabi sa akin ni mama pero hindi ko napigilan yung sarili kong hindi umiyak dahil dun.
Parang yun pa yung dahilan para ma-touch ako ng sobra. touch na touch to the max! Siguro kung ikaw yun, malamang mainsulto ko. Pero ako, para sa akin, totoo yung message na yun, came from the heart, stomach, balun-balunan and all.
Na-realize ko, tama sya, wala na syang ibang ginawa kundi awayin ako araw-araw. Akala ko tuloy hindi nya ako mahal. Pero hindi pala. Akala ko negative ang lahat ng bagay na ginagawa namin kapag nag-aaway kami, hindi pala. Yun pala ang pinaka-bonding namin. Pinaka-pampalipas oras namin.
Nag-aaway kami, but in the end, nakikita namin ang mga sariling nagtatawanan sa mga kalokohan ng isa't-isa. parang barkada lang.
Masaya ako. Masaya sya. pag nag-away, mas masaya. Pulling out the positve side from a negative trait. Ganun kami. PARANG BARKADA :)