Wednesday, December 28, 2011

Eh ano kung hindi Ingles!?

  May isa akong kaibigang nakadiskubre ng blogsite na ito na nagkataong pag-aari ng (ehem!) yours truly. Sa una natutuwa akong naa-appreciate nya ang sinusulat ko dito at nakaka-relate din sya sa mga topics ko. Pero hindi ko nagustuhan ang mga sumunod niyang nasabi. Na hindi daw maganda na nakasulat ang blog ko sa salitang filipino o tagalog. Hindi daw ito maiintindihan ng ibang mambabasa ang mga sinusulat ko lalo na kung ang makahanap ng blog ko ay mula sa ibang bansa na hindi nakaka-unawa ng salitang tagalog o filipino.

  Hindi ko alam kung bakit pero sadyang uminit ang ulo ko at nasabi ko sa kanya na "Eh ano kung hindi ingles!?"

  Nauunawaan ko kung bakit nya nasabi iyon. Tama sya, maganda kung nakasulat sa salitang ingles ang mga sinusulat ko dahil mas mauunawaan iyon ng nga mambabasa kahit na sila pa ay mga Pilipino. Kapag nakasaad sa ingles, mas marami ang magiging followers ko at magiging kilala ang blogsite ko.

  Pero nasubukan ba nyang unawain ang gusto kong iparating sa mga makababasa ng blog ko bukod sa mga topics na isinusulat ko? 

  Oo nga't gumagamit din ako ng mga ingles na salita sa blog ko sa mga pagkakataong hindi ko alam kung paano ito isasalin sa salitang tagalog. Pero karamihan ng mga saltiang ginagamit ko ay tagalog o filipino. Ang gustong kong iparating ay ang paggamit ng salitang filipino kahit na saan mo pa ito balak isulat (kagaya ng blog ko). Hindi dahil sa hindi ko kayang isulat ng buo sa ingles ang mga nasasa-isip ko, kundi, gusto kong mabasa ng iba ang nasasa-isip sa salitang lubos kung nauunawaan at minamahal.

  At kung mayroon mang mga banyagang makakabasa ng blog ko na hindi makakaunawa ng salitang gamit ko, subukan na nilang bumili ng diksyonaryong pilipino at subukang isalin ng mga salitang ito sa wikang nakasanayan ko. Subukan nilang akapin at mahalin ang wikang minamahal ko.

  At para naman sa mga Pilipinong katulad ko pero hindi minamahal ang sariling wika, (hindi ko man gustong sabihin,) mas mabuti pa ang mga dayuhan, mas higit nilang minamahal ang wika mo kaysa sa sarili mo. Dahil ang wika mo ay parte ng sarili mo at ang pagkalimot sa sariling wika ay pagkalimot sa iyong pagkatao!

Si Tetris at ang Tetris

  Last December 26, 2011, Muli kong nakausap ang long time friend ko na si Tetris sa pamamagitan ng social networking site na Facebook chat. Walang kamustahan na naganap kundi isang paghamon sa isang battle na tinatawag na Tetris Battle. Ang Tetris Battle ay isang game sa Facebook na kinakahumalingan ng mga Facebook-adik sa ngayon.

  Malugod kong tinanggap ang kanyang paghamon. Sa una ay nabiro ko pa sya na: "Talo ako sa iyo! Hold mo na yung title nun eh!" pero hindi ko alam na ang pagbibirong iyon ang magdudulot ng pagbaba ng rankings ko sa naturang laro (Insert a BELAT audio here).

  Puwera biro, akyat baba ang rankings ko habang naglalaro kami. Mananalo sya, matatalo ako, matatalo sya, mananalo ako. At sa huli, sya rin ang nakaipon ng maraming stars at tumaas ang ranggo.

  Pero kahit na ako ang nawalan, pakiramadam ko sobrang waging-wagi ako at lubos lubos naman akong natuwa dahil makalipas ang ilang taon, muli kaming nagka-usap. Kahit sa maikling oras lang (na hindi man lang nagkamustahan) ay naramdaman kong bou parin ang matagal nang samahan naming magkaibigan.

  Sorang tuwa ko talaga nang gabing iyon. Wala sa pagkatalo o pagkapanalo ang naging takbo ng isip ko ng mga oras na nagaganap ang laban sa pagitan naming dalawa, (Para sa akin,) ang larong iyon ay nagmistulang isang munting bonding narin ng dalawang magkaibigang matagal nang hindi nagkikita.

  At higit pa akong natuwa (na syang naging dahilan ng pagka-puyat ko dahil palong-palo ako sa kasiyahan) nang muli kong nabasa ang tawagan namin noong nasa high school pa kami: PRE!

Thursday, December 22, 2011

Si Principal, Si Silas Marner at ang Groiler

  Habang tumitingin ako sa reference section ng paborito kong bookstore, naalala ko ang principal ng paaralang pinasukan ko noong high school.

  Noon, madalas na gumuguhit, nagpipinta at gumagawa ng kung ano-anong artworks ang lolo ko bilang bonding naming dalawa. Pero hindi sya madalas na magkwento ng mga bagay-bagay bilang parte ng bonding namin. Kaya naman ng minsang nagkaroon ng pagkakataon na maging isang taga-pakinig sa aming principal, hindi bilang isang guro sa kanyang estudyante kundi bilang isang nakatatandang nagbabahagi ng kaalaman sa mga nakakabatang kailangan ng liwanag sa kanilang daan, sinamantala ko na ang pagkakataon at kinapalan ang mukha upang marinig muli ang kwentong hanggang sa mga oras na ito ay nagsisilbing inspirasyon ko sa buhay.

  Ang araw na yon ay ang araw din na magkakaalaman na kung sino talaga ang nakakaalam ng Disederata(resitation mode dapat ng araw na yon, laking gulat namin na biglang naging written exam nalang.) Matapos ang madibdibang exam, nagumpisa syang magkwento ng mga nasasaisip nya. Nauwi iyon sa isang magandang kwento. Dahil hindi mala-gold fish ang memory ko, nakalimutan ko agad kung sino ang bidang karakter sa kwento. Pagdating ng uwian, (kahit kinakabahan,) naglakas-loob kami ng kaibigan ko na itanong ang tungkol sa kwento at kung saan ito maaaring mahanap. At muli, nagsimula siyang magkwento. . .

acknowledgment to the owners of this pictures

   Isinalaysay niya: Si Silas Marner ay isang manghahabi na nagmamay-ari ng mga ginto na sya namang ninakaw mula sa kanyang tahanan. At ang pagkawala ng mga ginto ang naging dahilan ng kanyang pagkasawi. Hanggang sa isang araw ay may isang paslit na may ginintuang buhok ang kanyang nakita sa pintuan ng kanyang tahanan. Nawala man ang mga gintong sa kanya ay inumit, napalitan naman ito ng walang kapantay at tunay na kaligayahan na dulot ng pagdating batang may ginintuang buhok sa kanyang buhay.
(Isinulat ko lang kung ano ang natatandaan ko.)

   Sinabi din niyang mahahanap ang kwentong iyon sa Groiler Encyclopedia. 

  Matapos naming marinig ang kwento ay agad kaming pumunta sa library para hanapin ang kwentong nasabi. pero maliit na paliwanag lamang ang nakasaad sa nasabing libro. Sa madaling sabi, nabitin kami.

   At ngayon nga, muli, naalala ko ang aming principal, ang kanyang magandang kwento, at ang nakakabiting description sa Groiler at kung paano nabago ng kwentong iyon ang pananaw ko sa buhay.

Wednesday, December 21, 2011

Wag ipagkait ang salitang "Mahal kita"

  Wala nang iba pang salita ang magpapangiti sa isang tao kundi ang mga salitang "Mahal kita!" Karamihan ng sa atin sinasabi lamang ang salitang ito kapag may espasyal na okasyon, kapag naglalambing o kapag may kailangan lang hingiin (lalo na sa mga anak na nakakalimot sa kung ano ba talaga ang dapat na paggamitan ng salitang ito).

  Bakit hindi subukang sabihin ang salitang ito:

  • Sa pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Batiin ang mga magulang ng buong lambing at samahan ng mahigpit na yakap.
  • Habang nakikipag-usap o nakikipag-laro sa mga kapatid. 
  • Kapag aalis ng bahay o kung may isa sa mga kasama sa bahay na aalis sa araw na iyon.
  • Sabihin ito sa mga kaibigan. Marahil ay maninibago sila pero paniguradong mabibigayn mo sila ng walang kapantay na ngiti sa kanilang mga mukha.
  • Sa iyong kasintahan. Mas madaling sabihin ito sa taong ating lubos na pinagpapahalagahan. Ito rin ang pinaka-simple ngunit pinaka-epektibong paraan upang mapag-tibay ang isang samahan.
  • Sa iyong lolo at lola. Sila ang madalas na kasama natin noong tayo ay mga bata pa. Paniguradong mas madalas natin itong nasasabi sa kanila noon.

  Bitter ka rin ba tulad ng iba? Walang dahilan para ipagkait ang ang salitang ito sa mga taong ating pinahahalagahan. Sabi nga nila, walang mawawala kung hindi susubukan.

Wednesday, November 9, 2011

Minsan masarap maging bata, maraming nagagawa.

  Maraming naghahanap ng paraan para maging "forever young". Pero wala naman talagang nag-eexist na "fountain of youth" kaya imposibleng maging bata habang-buhay.

  Sabi ng ni Kc C. sa shampoo advertisement nya, "Age is just a number and young is attitude!".

 Young. . . Attitude. . . Ahhuumm. . . 

Saturday, November 5, 2011

Hindi ka Pinoy kapag. . .

(Alam ko na marami nang gumawa ng ganitong klase ng sulatin o blog, pero paniguradong mag-eenjoy ka sa listahan ko.)

  Sa mga oras na 'to, malamang na nadagdagan na naman ang batayan ng pagiging isang Certified Pinoy.  May pamantayan ba sa pagiging pinoy? Para sa akin ang mga bagay na mapapasama sa listahan ko ay mga bagay-bagay na nagpapakilala ng mga kaugalian ng mga Pilipino, maging saang antas man sya nabibilang.

Walis tambo, tabo, malalaking kutsra't tinidor at Last Supper display

  Pangunahing palatandaan yan na nasa bahay ka ng isang pamilyang Pilipino. Pagpasok sa sala, imposibleng hindi mo mapapansin ang walis tambo na nag-aabang lang na maganit para sa mga duming lilinisin. Kung sa ibang bansa super star ang vacuum cleaner, sa atin naman ay walis tambo. All around yan! sa sahig, sa furniture, sa singit ng mga malalaking upuan, sa ceiling o kisame, sa wall o dingding ng bahay, lahat! Name it, walis tambo can clean it! wag mo lang isasaw-saw sa basa o tubig para hindi masira.

  Sa banyo, bidang-bida ang tabo o water dipper. Minsan kahit sa kusina meron din niyan, pati sa bakuran, o kahit saan na may tubig naandun din ang tabo. Pansalok. Yan ang pangunahing pinaggagamitan ng tabo. May kaibigan akong ang bahay ay napaka-moderno, iisipin mong nasa bahay ka ng isang pamilyang lumaki sa ibang bansa pero pagdating sa kanilang banyo (maski na may flush ang kanilang toilet at may shower at bath tub na) ay may tabo pa rin akong nakita. Nakatutuwang isipin na only in the Philippines lang daw ang gamit na ito. 

  Sa kusina naman tayo. Malalaking kutsara't tinidor at The Last supper portrait naman ang usual display sa kusina ng mga pamilyang pinoy. Dati binalak kong gumamit ng isa sa mga malalaking  kutsara at tinidor na yan. Pero nalaman kong mas mabigat pa pala sa akin ang mga kahoy na yun kung kaya't di ko na ulit binalak pa na tanggalin sa kinalalagyan nila. Display lang sya, yun lang. Katulad din ng portrait ng The Last supper. Ito daw ang simbolo ng pagiging malapit natin sa Diyos at ang paggalang natin sa ating pagkain. Ito rin ang nagpapaalala sa atin na dapat nating sulitin ang oras na magkakasama ang buong pamilya sa oras ng pagkain at ang madalas na sinasabi ng mga magulang natin na: "kumain tayo na para bang ito na ang huli". Para sa akin ang mga salitang iyan ang nagpapasarap ng mga sandali ng bawat pamilya.

Mahilig sumitsit, dumura at umihi kung saan-saan

  Hayan, behavior ng mga pinoy yan. sumitsit lang ang kaya kong gawin sa public place, but the two other behavior, no. Ang pagsitsit na ata ang pinaka-common ma behavior ng mga pinoy. Sa gaoong paraan nila tinatawag ang atensyon ng ibang tao a maging ng mga alaga nilang aso o pusa. Sa totoo lang, negative talaga yan sa image ng mga pinoy. Pero sumasalamin din ito sa mga kakulangan ng ng pangangailangan ng mga pilipino. Katulad ng public urinals. Kahit na may mga naityo nang mga pink urinals ang goberno, hindi parin nito natutugunan ang pangangailangan ng mga pinoy sa kakalsadahan.

Mahilig sa street foods o laging may kinukukot at nginunguya

  Hindi lang naman sa mga Pilipino uso ang street foods kundi maging sa ibang bansa din. Pero dito ko lang ata nakikitang laging may nginunguya ang katabi ko o kasama sa trabaho. Madalas, mani ang hawak ng mga nabuburyong sa loob ng jeep. Tokneneng at kwek-kwek naman sa mga studyanteng kakalabas pa lamang sa skwelahan (bukod sa mura na, madali pang mahahanap ang mga tindahang nagbebenta nito), sago't gulaman naman para sa mga nauuhaw at nagmamadali. Pagsapit ng gabi, marami ang naka-pila sa mga istante ng ihawan. Isaw, "adidas" o paa ng manok, baticolon, "helmet" o ang ulo ng mano, "betamax" o dugo at kung ano-ano pa na pangkaraniwan ay lamang-loob ng baboy o baka ang itinitinda.

Nguso ang gamit sa pagturo ng lugar o bagay

  Kapag nagtanong ka kung saang daan ang may pangalan na gainito o kung nasaan ang kabiyak ng tsenelas mo, hindi malabong gagamitin ng kausap mo ang kanyang nguso para maituro ang hinahanap mong lugar o bagay.

Friday, November 4, 2011

TAHOOO!!!

  Ang sarap ng taho. Bahagi na ata 'to ng buhay ng mga Pilipino araw-araw.

  Araw-araw din kasi akong kumakain ng taho. Ikaw? kumakain ka rin ba ng taho? Parang di ata kumpleto ang araw ko kapag di ako nakakain ng taho. Parang kape ko na rin kasi yan. Pampagising kumbaga. Minsan nga, dati bago ako pumasok mg school, titira muna ako ng taho ni manong. Tapos deretso na ng school. Ganun parin hanggang ngayon.

  Panalong panalo ang makalaglag-pangang arnibal ni manong. Madalas akong masamid dati kapag sinisimot ko yung arnibal. Tapos yung walang kasing kinis na soy o taho. Hayyy, Kung may straw pang kasama ang taho ni manong, malamang na ginawa mo ding bala sa straw yung sahog na sago nung bata ka pa (may mga bata ngayon na nakikita ko parin na gumagaya ng teknik na yan.).

  Minsan, kahit taho lang solve na ang umaga ko. Minsan nga kapag late na sa pagpasok, taho nalang ang almusal makabubusog na kasi.(Yun nga lang, minsan nagkakaroon ako ng problema sa bhaye, nakaksuk*). 

  Hindi lang sa usapang sikmura ako natutulungan ng taho. Pati na rin mismo si Mr. Fernanado A.K.A. "Manong taho". Sa umaga, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko maririnig ang malupit na "TAHOOO!!!" at ang mabangis na "OOHHWHOOHWOW" (hindi yan yung intro ng kanta ni pareng Justin ah, nauna dyan si manong taho.) ni manong taho. Alarm clock ko na rin yan! Paano kasi madalas tinatanghali ako ng gising (8:00 A.M., tanghali na ba yun?).

   Lupit ni manong taho, saludo ako sa kanya. Dahil sa hindi pa ako pinapanganak, naghahatid na sya araw-araw ng taho sa lugar namin. Lumaki siguro akong cute dahil sa taho ni manong. Hayyy manong ikaw na!

   I think, pwede na ring ihanay si Manong taho sa mge Avengers (Sa tingin mo?). Imagine, araw-araw nagbubuhat sya ng lalagyanan ng taho. Pansin ko na rin ang magandang built ni manong taho kahit na may edad na sya.

   Kung saan-saan na napunta ang kwentong taho. Basta da best ang taho at ang muscle ni manong (yung muscles ata secret sa masarap na taho, minsan kasi, nakatikim na ako ng taho sa iba. Hindi masarap.).

   I-enjoy nalang natin ang masarap na taho sa umaga, healthy na affordable pa!

   (bibigyan kaya ako ni manong ng ad fee para dito?)

Thursday, November 3, 2011

Kape!

*Thanks to the rightful owner of this picture*
  Sino bang hindi pa nakakaranas na mag-kape sa umaga?

  Anong sarap nga naman ng kape kapag bagong gising sa umaga o kaya naman sa madaling araw para sa mga maaagang nagsisipag-pasukan sa trabaho at paaralan (yung iba dyan, hindi pa nag-mumumog, nagkakape na!).

  Ano bang timpla ang trip mo?

  Matapang? Yung tipong kahit nag-tooth brush ka na, lasap mo parin ang tapang ng lasa kapag dumighay ka? O yong matamis? Yung tipong tinalo pa ang arnibal na sahog ng taho na manong?

  Sarap magkape no?

  Ano bang masarap ihalo sa kape? Creamer o condense milk? Evap kaya?

  Partner? Anong sayo? Pandesal. Panalo yan. Wagi sa madla. Two thumbs up! Lalo na kung may kesong pagkaalat-alat! O kaya yung well-known na "Ate! Pabili nga ng DERI KRIM!" Hayyy!!! Langit yan sa sarap! Itlog at pandesal. Liver spread at pandesal. Ano pa bang masarap na palaman? Liver spread. Mayonnaise. Sandwich spread. Ham spread. Chicken spread. Omelet. kahit ano pwede sa pandesal at kape.

  Rice meal kaya? Masarap din yan. Tapsi? Whow naman. Panalong panalo! Kahit nga sopas at kape, talo-talo na.

  Teka, nagkakape ka ba?

  Ang sarap kaya ng kape. May anti-oxidant pa! Anti-aging, Pampabata, Hahahah! Mas maganda pa nga raw na pampagising ang kape sa umaga kaysa sa regular na exercise. Hindi ko sinasabi na wag ka nang mag-exercise. Ang sabi ko lang, try mong uminom din ng kape. Iwas-cancer din yan.

  Higit sa lahat, minsan kahit kape lang buo na ang araw ng mga simpleng tao, mga naglalambingang asawa o kaya naman ng mga nag-aagawan ng ipang-aasukal sa kape.

Ang kulit ng erpats mo!!!

(Para sa mga anak na may amang makukulit at para sa mga amang minsan na ding naging anak ng mga amang kasing kulit din nila. Peace!!!)

   Sa mga oras na 'to, habang binabasa mo ang blog ko, malamang na nakikipag-talo ako sa papa ko kung paano irerelax ang braso nya habang kino-control nya ang mouse ng computer.

   Sa totoo lang, mas madalas kaming mag-sigawan ng papa ko dahil sa kakulitan nya at kakulitan ko din minsan.

   Hindi sya nakapag-tapos ng pag-aaral at hindi rin nakapasok kahit sa anong vocational schools, hindi katulad ko, pero ibang iba ang humor nya compare sa mga taong mas edukado sa kanya na madalas nyang nakakasalamuha nya araw-araw. Alam mo ba kung sino-sino ang mga nakaka-usap nya sa araw-araw? mga police, lawyer, sabongero, doctor, large farm owners, may mangilan-ilan ding nagtatrabaho sa gobyerno, engineer, seaman, at iba pa... Hindi yan joke! araw-araw may mga nakaka-usap syang ganyang klase ng tao, mga taong may mataas na pinag-aralan pero hindi makasakay sa bilis ng takbo ng pag-iisip nya.

   Gusto mo ng sample???

   Minsan, may isang engineer na naging costumer si papa (TEKA!!! I forgot to mention, related sa metal crafts ang trabaho nya at lahat ng mga taong nabanggit ko kanina ay mga clients namin. And yes! Employee ako ng papa ko sa sarili naming "LITERALLY BACKYARD BUSINESS"), at nang araw ding iyon, namangha ako sa laki ng agwat ng mga kakahayan ng bawat isa sa kanila. Lalo na kay papa.

   May mga materyales kasi syang ginagamit para makagawa ng mga orders ng mga client namin na syang pinagtalunan ng dalawa. Noong una, bet ko talaga yung manong engineer (sorry Pa, I lose my faith on you once, and i was wrong...). Syempre engineer yun eh, katulad ni papa sa metals din ang specialty nya. Pero nagulat ako, hindi si papa kundi yung maong engineer ang 'di makasabay sa process ng paggawa ni papa. Bangis!!! Hindi naman dahil sa papa ko sya kaya kung todo cheer ako sa kanya, pero dahil sa kungtutuusin ay basics lang ang process na ginagawa niya pero hindi masakyan ng mas nakapag-aral pa kaysa sa kanya. Then, several weeks after na dumalaw sa shop 'yung manong engineer, nalaman kong gumagawa na rin sya ng    
same items na ginagawa din namin. Pero, malaki parin ang difference ng gawa namin sa quality ng gawa nya. Palyado, hindi matibay at... Ehem... mas maganda pa talaga kaysa sa amin. (hindi naman sa naninira, pero halos lahat ng mga nagpagawa sa kanya pumupunta sa amin para magpa-repair.)

   Madalas namang nayayari ako sa humorous jokes nyang kung hindi ka hahaglpak sa tawa, eh, baka atakihin ka sa puso kung hindi mo kakayanin. Minsan may ganitong tagpo:

Sa tindahan ng computer.

Sales man: "Ah sir, fixed na yan kaya hindi na pwedeng magdiscount."
Papa: "Ahhh, baka naman pwedeng bawasan nalang natin." 
Sales man: "Eh, kasi sir, hindi na ho talaga pwede eh, fixed na ho kasi yung presyo nyan. Paano naman ho natin babawasan yan, package ho kasi yan.
Papa: "Ganun ba? Ay sige, bawasan mo nalang yung monitor, hatiin mo nalang sa kalahati.
Sales man: (halatang nag-pipigil ng tawa) Heto nalang sir mas mura...
Papa: "Alam mo ba na bibili kami ng computer ngayon pero pag-uwi namin sa bahay, wala kaming pambili ng ulam?
Sales man: (hindi napigil, tamawa na...)
Habang binabalot ang mga nabiling items...
Papa: "Hindi ba malakas ang hatak ng kuryente nyan???
Sales man: "Hindi sir, parang radyo lang hatak nyan!" (parang siguradong-sigurado talaga sya)
Papa: "Eh di dapat pala nag-radyo nalang ako!"
Mga sales man na nasa likod ni manong salesman: (Hagalpakan sa tawa, sinabayan pa ng pang-aalaska) Lakas mo manong!
    Hindi naman lahat ng oras nag-sisigawan kami, may mga happy moments din naman.

    Pero wala talagang tatalo sa sigawan moments eh, mas intense kasi. Labanan ng humor sa humor... Kung pikon ka, talo ka. Kung di mo masakyan, mahina ka. At kung wala kang tiyaga, hindi ka tatagal.

   Ikaw ba, may moments din kayo ng erpat mo na nagkakatalo kayo ng humor? Di ba ang saya?!

Wednesday, October 26, 2011

Usapang "Brown Out"

  Last day, bandang alas-singko y media ng hapon, biglang nag-brown out. 

  Nakaka-inis! Natural na reaksyon naman talaga ang mainis ant magalit sa ganoong pangyayari. Pero hindi nakakatuwa kapag nagba-brown out!

  Syempre, una sa lahat, mainit. Hindi gagana ang electric fan kung hindi ito dadaluyan ng kuryente.

  Walang telebisyon. Inaabangan mo ang paborito mong programa, drama, koreanovela sa oras na iyon nang bigla na lang mawawala ang supply ng kuryente! Tsk! Paniguradong isususmpa mo nanaman si *** kahit na wala siyang kasalanan at walang kinalaman sa pagkawala ng supply ng kuryente.

  Malas mo kung hindi mo pa nai-charge ang cellphone mo dahil inuna mo pa ang panonood ng paborito mong palabas.

  Malalanta ang tanim mo sa Farm Ville. Oh no! Kailangan mo na talagang mag-harvest paro hindi mo magawa dahil walang kuryente. Subukan mo kayang mangibang-bayan. Baka sakali, maka-level up ka na! Wag mo rin kalimutang paliguan ang alaga mong hybrid ng pusa at T-rex sa Pet Ville. 

  Pero kahit na hindi masaya ang pansamantalang kawalan ng kuryente, marami naman ito magagandang bagay na maihahatid sa sino man.

  Kapag hapon na ay hindi parin naibabalik ang supply ng kuryente, madalas ang mga matatanda ay nag-uumpukan sa isang lugar kung saan maari nilang mapag-usapan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kasalukayan katulad ng kung sino ang bagong jowa ni ***, o kung anong brand ng bagong second hand na T.V. ang nabili ni ***. Madalas nag-uumpukan din ang mga chismosa para mapag-usapan ang dumo-dobleng  bilbil ni Pepay.

  Bukod sa mga matatandang nagpapalitan ng kuro-kuro, karamihan ay mga batang nag-hahabulan ang makikitang naglalaro habang sinasaway ng mga matatandang nag-uumpukan. Sa totoo lang, masaya talaga ang mga ganoong tagpo. May naghahabulan, naglalaro ng goma, bato-bato-pik!, pitik-bulaga, langit-lupa, mataya-taya at iba pa. Ang iba, nagtatakutan, minsan pa nga ay nagkakasakitan na dahil sa pagka-pikon at kainisan sa kalaro. Pero parte pa rin iyon ng laro na di talaga maiiwasan.

  At kung Madilim na at ganap ng gabi, mdalas na mas marami pa ang nasa labas ng kanilang bahay. Dahil bukod sa mainit sa loob ng bahay, mas marami pang pwedeng mapag-usapan kapag sumasapit na ang dilim.

  Mas napapaganda ang usapang kababalaghan. Madalas mga kabataan ang may interes sa ganitong usapan na sasabayan pa ng bonggang reenactment na ikakatakot naman sa huli ng mga nakikinig sa tagapag-kwento. May mga bata din na sasabay sa pakikinig at sa kalagitnaan ng kwentuhan ay hihihwalay sa umpukan at gagawa ng sariling kwento na ibabahagi sa mga kalaro. Malalaman mong nagtagumpay sya sa pananakot kung maririnig mong nagsisigawan na ang mga kaibigan nya habang tumatakbo-kasama sya!

  At sa iba naman na hindi madalas makihalubilo sa mga kapit-bahay(na katulad ko), madalas na nasa likod bahay at pinagmamasdan ang malawak na kalangitan, pinipilt basahin ang mga constellations at hinahanap kung nasaan ang big dipper, little dipper,  yung kite, pati na rin yung zodiac nya. At kung suswertehin (katulad ko na nakatira sa mala-probinsyang settings ng bahay) ay maari ka pang makakita ng mga alitaptap na nakakamanghang panoorin habang lumilipad. Pati na ri ang mga gamo-gamung nagliliparin at pumapalibot sa kandila o lamparang nagsisilbing liwanag sa gabing malamig. Tuwing brown out mo rin lang malayang magagawa ang shadow puppetry na susubok sa kakulitan ng mga bata at pati na ri ng matatanda. 

  Ang iba naman ay idinadaan sa pagkain para mapalipas ang gabing walang kuryente. Maraming tumatambay para makipag-inuman. Pagkatapos ng inuman, umaatikabong aksyon na ang magaganap dahil sa kalasingan. Ang iba naman, kahit brown out na, magpapatugtog parin ng bagong bili nilang IPod o MP3.

  Pero brown out pa rin.

  Kaya ang iba ay mapipilitan nang umuwi sa kanya-kanyang bahay para magpahinga o maghanda ng hapunan.

  Ang iba naman ay maghahanda na sa pagtulog. Mainit at malamok pa.

  Minsan mas nakaka-inis ang ganitong tagpo, yung ang tagal-tagal mo nang naghintay sa pagbabalik ng supply ng kuryente, nai-report mo na't lahat. . .

  Kanina pa pala bumalik ang supply ng kuryente, nakalimutan lang pala ni tatay i-on yung fuse box ng bahay! Naku, naku, naku! Tatay talaga!

Tuesday, October 25, 2011

May makakagawa pa ba ng gawain namin noon???

  Noon, di pa uso ang MP3, MP4, IPods, PSP, Farmville,  at kung ano-anong mga gadgets at On-line gaming na pinagkakaguluhan ng mga kabataan ngayon. Pero syempre, hindi ko rin naman masasabi na hindi ako isa sa mga nahuhumaling sa mga makabagong teknolohiyang patuloy sa paglaganap hanggang sa ngayon. Sa katunayan ay hindi kumpleto ang taon ko kung wala akong bagong gadget. Kahit na maliit, basta't bago ay pagpupursisgihan kong magkaroon. Kung tutuusin ay maliit na halga lamang ang nailalaan ko kung ikukumpara sa mga may kayang kabataan na may kakayahang magkaroon ng multiple gadgets sa bahay, at hindi rin lang naman mga kabataan ang nahuhumaling dito kundi pati narin ang mga mas nakakatanda.

  Pero kung iisipin mo, hindi ba't wala namang ganito noon? Kung meron man, Mga may kaya lang ang makabibili.

  Noong nakaraang araw, dahil sa init ng ulo ng aking mga magulang ay nautusan kaming mag-linis ng boung bahay. Habang naglilinis ay nakakita kami ng mga lumang litrato noong kami ay mga bata pa. Naalala ko tuloy ang mga panahon na hindi pa kayang bilhin ng mga pangkaraniwang pamilya ang mga gadgets na kinababaliwan ni neneng at totoy ngayon.

  Noon, paboritong past time ng mga batang babae(sikat din sa mga batang lalaki) ang mga cut-outs na paper doll at para mapaganda ang paraan ng pag-lalaro, bibigyan nila ito ng kanya-kanyang pangalan at gagawan ito ng kwento. Magandang paraan iyon upang mapalawak ang imahinasyon ng bawat naglalaro. Syempre, hindi kumpleto ang laro kung walang mga kaibigang kasama, kung kaya't nagkakaroon ng interaksyon sa ibang tao ang mga bata noon. Sa mga lalaki naman ay bidang-bida ang mga laruang may remote control katulad ng laruang kotse, robots, laruang eroplano. Minsan pa nga, ang siste ay hahabulin ng mga kalaro ang laruan habang tuwang-tuwa sa pag-kontrol ang batang may-ari ng laruan.

  Usong-uso noon ang mga Larong Pinoy na madalas ay nilalaro ng mga bata sa mga bakanteng lote o sa mga kalsada. Pinaka-paborito namin noong laro ay piko. Ito yung laro kung saan ang bawat kasali ay may kanya-kanyang hawak na bato na tinatawag pato. Kailangan mong gumuhit ng malaking parihaba sa sahig at hahatiin ito sa anim. Nakakatuwa ang larong ito dahil bukod sa panalo ka sa laro ay may bahay ka pa! Hindi ito yung literal na bahay na napapanalunan sa mga game show, ito yung bahay na guguhit ka ng kung ano mang nais mo sa loob ng hinating malaking parihaba.

  Mayroon ding mga laro na kinakailangan ng malakas na resistensya katulad ng habulan, agawan base, patintero, at batuhang bola (/batuhan ng bola/ mas kilala na ngayon bilang DODGE BALL).

  Kung sawa at pagod na sa mga nakakapagod na laro ay babalingan naman ng mga bata ang mga punong hitik na hitik sa bunga sa mga panahon ng tag-init. Natural na ang mga tagpong namumula sa galit ang mga kapit-bahay sa mga batang nagpupumilit na manungkit ng bunga ng mangga o kamiyas. Matapos na mahuli ng may-ari ay kakaripas ng takbo at uumpisahan na ang piyesta na ikakangiwa ng mukha ng mga bata sa dahil sobrang asim ng mga napitas. Kung wala namang puno ng mangga o kamiyas ay pag-iinteresan naman ang puno ng alateris ng kapit-bahay. Padating naman sa punong iyon ay wala nang magrereklamo maliban na lamang sa mga nanay na mag-iinit ang ulo dahil sa pantal na aabutin ng bata mula sa mga langgam na kakagat sa kanya o sa pilay na aabutin mula sa pagkabagsak sa puno.

  Simpleng mga bagay noon na bihira na lamang makitang ginagawa ng mga bata ngayon. Dahil bukod sa wala nang bakanteng loteng mapag-lalaruan at punong maaaring akyatan, mahirap na rin makahanap ng batang may interes na maglaro pa ng mga ganitong gawain dahil sa dami ng umaagaw sa kanilang atensyon at ang mga dating gumagawa ng mga gawaing ito ay natutulad na rin sa kanila.

  Kaya ang madalas kong naitatanong:
  May makakagawa pa kaya sa mga kabataan ngayon ng mga bagay noon???


 

Tuesday, March 22, 2011

Running Ideas


    Every time I reach for my pen and try to write something, I'm always getting interrupted for so many reasons (as if they're reasons).

::Running Ideas::


    Sometimes, I made a sequence or a story in my mind. Like a movie, fully scripted and smooth. Then, suddenly, when I started to face my desk, then boom! Where's the idea? I can't even start an introduction (just like at this moment I'm writing for my next blog).

    Once, I set my mind to get focused on my writing. To set the mood, I played some of my favorite songs from IPod. But then, I found myself enjoying the music and again, not writing. After that, I looked for alternatives. Chips and other snacks. They taste good and it works and I wrote a few sentences. But, just like the last, I ended up enjoying those finger licking breaded chicken fillet and dips... especially, the dip!

    There are times that I got a lot of idea,but I don't know how to start. Or sometimes, I got a lot of things in my mind, but I can't decide which one I'll write first. One time, I tried to write when I was in a plaza around Novalichez, I felt the pressure. It was like everyone was looking at me, wondering "what the hell she's doin'?"

     Recording. Yes, I tried that once. It only works when I was in a quite place (as if I could wish my younger brother won't shout every time I tried to).

    Whatever distractions appeared on my way of writing, in the end, I'm sure I would end up holding my pen, writing my ideas.

    Have you caught you're running idea?